Tama ka kabayan, pasensya na at hindi ko naialagay na ang dapat lang natin bilhin ay ang mga reputable coins at dapat talaga na inaanalisa natin muna ang mga coins na ating bibilhin kung ito ba ay mapagkakatiwalaan at makapagbibigay sa atin ng profit.
Dapat tayo na talaga ang may kontrol sa ating funds kung ano ang dapat nating bilhin or hindi, dahil tayo lang naman talaga ang nakakaalam at makakapagsabi ng mas okay na iinvest natin, huwag nating hayaan na gaya gaya lang tayo dahil tandaan po natin na manipulated ang market and maraming mga paid shiller and Fudder kaya po tripleng ingat sa paginvest.
Tama ka dyan. Dapat matuto tayong magmanage ng pera hindi yung palabas na lang palagi. Atsaka alam naman natin na kapag nagbusiness tayo hindi naman parating positibo syempre minsan makakaranas ka talaga ng pagkalugi pero ang mahalaga don natuto ka di ba para di mo na ulitin yung nagawa mong mali. At wag na wag tayong matatakot na sumubok ulit dahil ang mga taong successful ngayon tulad ni Pacquiao nagdaan muna sa pagsubok bagi nagtagumpay.