In other words, wag emosyonal pag nagtitrade. Madalas pag nagtitrade ang iniisip yung posibleng panalo o talo, yung pera mismo. Kaya tuloy nawawala sa focus. Nawawala bigla yung mga numbers na dapat syang guide sa mga decisions. Halimbawa, imbis na ang target ay 1,000 sats lang o kaya 10% increase lang, pag nangyari na yung pump biglang erase muna yung mga numbers na yun kasi baka may mas itataas pa. Ayun nadale sa pagiging greedy.
Isa ito sa mga nagiging kadalasang dahilan ng pagkatalo dahil sa mga malay na tumatakbo sa ating isipin or mga what ifs. Lalo na pag nakikita nating nag pupump ang isang crypto, kahit mataas na ay hindi nagagrab kung minsan dahil sa pagbabakasakaling umangat pa hanggang sa bumagsak na lang ulit ito na nagiging dahilan ng pagkatalo. Maganda talaga siguro maging focus everytime na magtetrade tayo.