Merong isang gambling apps na pwedeng kumita ng points at iconvert sa dollar kaya lang talagan grinding ang gagawin mo dito. Yung kaibigan ko 1 whole day naglaro at nakaipon siya ng 3hundred thousand points (ang laki no) pero ang conversion nya to peso ay Php2 . Hindi worth it yung oras at gastos para sa reward. Kung gusto mo gamitin ang mobile para kumita, maganda yung gumawa ng reviews ng mga games then stream it on youtube at imonetize na lang. Nageenjoy ka na, kikita ka pa.
Grabe, sayang lang yung time and effort para sa 2 pesos sa isang araw, kung hanap mo talaga ay source of money, then worthless sya pero kung libangan lang naman, walang problema.
Di ko pa napag aaralan gumawa ng youtube videos o mag stream, pero try ko rin pag mag may time at kapag may nakita o nahanap akong source na makakatulong tungkol dyan.
Meron din akong napanuod kagabi na isang social media kung saan pwedeng mag earn ng crypto ng $50-$100 depende sa activity natin, simple lang ang gagawin, magpopost lang or share ng content, thumbs up and mag comment ka lang, grabe ang galing nga eh, nakalimutan ko lang yong website, share ko dito para macheck nyo din.
Prang tulad din yan ng steemit. Pwede kumita sa pamamagitan ng pagpost o paggawa ng blog, pagupvote or pagshare ng images. Pwede nyo tingnan ang article na ito para sa higit na pagpapaliwanag.
Sikat yan dati ewan ko lang kung bakit parang tumamlay yang steemit.