maganda yan para hindi n makapasok ang mga scam bounties dito kawawa naman kasi ung ibang bounty hunters sa tinagal tagal nung campaign tapos sa bandang huli magiging scam lng din. Sayang pagod ,tas minsan nakakainis din naranasan ko n yan ng madaming beses.
Kasama naman kasi talaga yan, yan ung risk sa pagsali mo sa maga bounty ung effort at tska ung panahon na ginugol un ung pwedeng masayang, kaya nga bawat bounty hunters to do research na sa project. Kaya dapat wG ka mag fufull time sa pag bounty dapat may business ka or real world job para if ever na magkagipitan at hindi ka masahuran ng tama may backup ka.
Tama! Sa panahon ngayon, mahirap asahan ang Bounty campaign para pagkakitaan. Imagine kung gaano katagal itatakbo ng campaign, pinakamaiksi na ang 1 month. Kadalasan 2 months, yung iba umaabot pa ng six months, then yung pagbibigay ng reward buwan din inaabot hindi katulad dati na ilang linggo lang bayaran na agad at nasa exchange agad kaya madaling magpapalit into Bitcoin nung mga token na binayad. Hindi ko lang alam kung bakit naging ganoon katagal ang pagbabayad ng mga bounties, hindi naman sila sakop ng regulations at kung sakop man, imposibleng umabot ng buwan ang pagkiwenta at paggawa ng reports tungkol sa kanilang bounty campaign sa kinauukulan, mahaba ng isa hanggang dalawang araw para ifile ang report or ilagay sa kanilang records for auditing ang mga ginastos nilang token for promotion.