Nakakabahala talaga yung mga nangyayari ngayon, halos kasi lahat gawa ng tao ay may good and bad effects yan kahit nga kalikasan ganoon din, kay gandang pagmasdan na tanawin ngunit kapag dumating yung oras gaya ng pag alburoto ng bulkan ay kapahamakan ang dulot nito.
Self-proclaimed lang naman yan si Quiboloy, wala naman ibang naniniwala sa kanya kundi yung mga taga sunod nya lamang. Kaya maraming nangungutya sa kanya dahil di naman sya kapani-paniwala.
SA pagkakaalam ko, ang pinagsimulan ng pag-angkin ni Quiboloy sa title na siya ay appointed son ng Ama dahil sa failed prophecy nya ng pagdating muli ni Jesus Christ. Noong panahon ng paghihintay nila ng pagdating ni Jesus Christ ay hindi nangyari, siguro dahil kasubuan na, inangkin na nya na siya na ang muling pagbabalik. Ang siste naniwala naman ang mga followers nya. Unang-una, sa simula pa lang ay may mali na kasi sabi sa Bible na walang nakakaalam ng muling pagbabalik kung hindi ang Ama lamang, ni si Hesus nga hindi alam siya pa kaya

.
Nasiraan na din ng bait yon, for sure alam pa din nya ang ginagawa niya kaya no choice na siya at gusto nya yong ganyan pinupuri din siya. Anyway, nasa Bible naman po yan, maraming mga darating na kunwari propeta, magpapanggat na sila si Cristo, nasa Bible po yan kaya hindi na ako nagtataka. Sa ngayon, need nalang natin isave yong mga taong naniniwala sa kanila para magising sa katotohanan.