Ano mang rehiyon yan ang mahalaga ay ang paniniwala mo sa poong may kapal at hindi sa mga nagsisilbing tagapamalita nya o tagapagpakalat ng salita niya.
Pero mayroon akong tanong sa aking isipan na hindi ko mahanapan ng sagot, ayaw ko din itanong sa pari baka, naitanong ko na ito sa iba na palaging nagsisimba.
Sino ba talaga ang gumawa ng BIBLIYA? salita ba ito lahat ng AMA? kung ganon bakit mayroon LUMA at BAGONG TIPAN?
Maraming diskusyon tungkol sa pagpapaliwanag ng pagkakaroon ng Bagong tipan at nasa Bibliya rin yan.
*Hebreo 8:13 (ADB) Isang Bagong Tipan, ay linuma Niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas.
*Hebreo 8:7-8 (ADB) Sapagka't kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa.
*8 Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi Niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, na Ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.
*Hebreo 7:12 (ADB) Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinakailangang palitan naman ang kautusan.
isang magandang pagpapaliwanag ang nandiyan at heto pa ang isang paliwanag tungkol diyan.
: Habang ang Bibliya ay binubuo ng mga nagkakaisang aklat, may mga pagkakaiba din naman sa pagitan ng Lumang Tipan at Bagong Tipan. Sa maraming kaparaanan, ang dalawang ito ay magkapareho. Ang Lumang Tipan ang pundasyon; ang Bagong Tipan naman ay itinayo sa pundasyon ng Lumang Tipan kalakip ang mga natupad na hula at mga kapahayagang mula sa Diyos. Ang Lumang Tipan ang nagtatag ng mga prinsipyo na naglalarawan ng mga katotohanan sa Bagong Tipan. Ang Lumang Tipan ay naglalaman ng maraming mga hula na naganap sa Bagong Tipan. Ang Lumang Tipan ay nakatuon sa kasaysayan ng isang bansa; ang Bagong Tipan naman ay nakatuon sa isang Persona na nanggaling sa bansang ito. Ipinakikita sa Lumang Tipan ang poot ng Diyos laban sa kasalanan (habang may ilang sulyap sa kanyang biyaya); ipinakikita naman sa Bagong Tipan ang biyaya ng Diyos sa mga makasalanan (habang may sulyap sa Kanyang poot).
source:
https://www.gotquestions.org/Tagalog/pagkakaiba-Lumang-Bagong-Tipan.html