Tama iyan, sa oras na sumuko tayo ay tapos na ang laban. Ano man ang ating pagkabigo ay hindi na ito mababawi pa dahil nga sa tayo ay sumuko na. Hindi tulad ng pagbangon tuwing mabibigo at pagkuha ng aral mula dito para muling harapin at subukang pagtagumpayan ang mga pagsubok na nabigo tayo at least sa ganitong pamamaraan ay magkakaroon tayo ng muling pagkakataon para pagtagumpayan ang mga ito.
Lahat naman ng bagay ay merong magandang kabayaran, lahat ng pagsisikap and pagttyaga natin ay for sure meron tayong magandang makakamtam, kaya keep moving lang po and huwag basta basta susuko sa laban, kapag nadapa bangon lang ng bangon, kilala ang pinoy sa likhang masayahin kaya nasa sa atin na yon kung paano natin patutunayan sarili natin.
Tama laban lang ng laban. Lahat naman humaharap sa failures and struggles. Kung nabigo ka ngayon malay mo sa susunod maging successful ka naman. Basta wag tayo matakot na sumubok ng anumang bagay. Kasi normal lang na sa una ay manibago tayo o di naman kaya ay maging negative pero kapag nakita na natin ang positive side ng isang project ay talaga namang maiencourage tayo at maninibago ang perspective natin.