May mga ganyan ring narereceive na text ang co-worker ko sa lab. Since alam niyang medyo may kaalaman ako sa mga gantong bagay e ipinakonsulta niya sa akin at napag-alaman na talagang phishing link nga ito. That's why nirecommend namin sa coins.ph na maglabas ng active reminder sa apps regarding dito dahil nga malamang e marami ang mabiktima ng phishing link at tuluyang mawalan ng pera ang mga tao. Kadalasan eh shortened URL pa nga ang gamit ng mga taong ito para madaling ma-mask o mai-hide ang phishing attempt.
Mayroong mga legitimate na loan apps sa Playstore na nagsesend ng notification message at payment request sa coins.ph. IMO, sila ang mga legitimate at trusted loaning apps since dun mismo sila sa official coins.ph app nanghihingi ng bayad at hindi nagsesend ng link to settle the amount loaned.
Habang mas tumatagal mas nagiging mautak ang mga scammers kaya naman mas padami ng padami ang mga biktima neto. Wag tayo maniniwala kaagad kung may ma receive tayong mga text messages about bitcoin. Nag labas na ng pahayag ang coin.ph na kung saan never silang nanghihingi ng password at username na kanilang mga customers. Kung gusto natin ma protektahan ang atin mga funds, dapat sarili lang natin ang pinagkakatiwalaan natin.