In other words, wag emosyonal pag nagtitrade. Madalas pag nagtitrade ang iniisip yung posibleng panalo o talo, yung pera mismo. Kaya tuloy nawawala sa focus. Nawawala bigla yung mga numbers na dapat syang guide sa mga decisions. Halimbawa, imbis na ang target ay 1,000 sats lang o kaya 10% increase lang, pag nangyari na yung pump biglang erase muna yung mga numbers na yun kasi baka may mas itataas pa. Ayun nadale sa pagiging greedy.
I agree. Isa sa matinding kalaban natin sa Trading ang ating emosyon. Kung hindi natin ito kayang kontrolin ay magkakamali tayo ng paggawa ng mga desisyon natin na pwedeng magdala sa atin sa pagkalugi at pagsisisi sa bandang huli. Kung gusto nating maging matagumpay sa trading, una dapat nating matutunan ang tamang paghandle ng ating emosyon lola na ang trading ay parang roller coaster ride adventure. Kung patuloy tayong matututo sa mga pagkakamali at iiwasan ng maulit ito, alam na natin kung paano makipagdeal sa sari saring market situation.