Hmm, what can I say. All the best na lang sa magiging desisyon nila regarding cryptocurrency dito sa ating bansa. Ang isa sa pinakakatakot ko lang, yung lagyan nila ng malaking tax itong mga crypto-related stuff. Siguro alam niyo yung ilan sa mga dahilan kung bakit nila ginagawa yung nasa article ni OP. Isa na don eh yung mas lalo nilang ma-control ang Cryptocurrency dito sa Pinas at ng malagyan nila ito ng tax. Ang nasa isip kasi nila eh "malaki pine-pera ng mga tao dito, dapat makinabang din tayo."
Sana mali ako or ang iniisip ko pero hindi malayo sa katotohanan yung mga sinabi ko.

Sa tingin ko ibabase nila ang tax kung ano ang nakatalaga sa saligang batas. Hindi naman siguro magkakaroon ng special tax ang cryptocurrency at normal lang na magkaroon ng regulation ang cryptocurrency sa isang bansa. Kapag walang regulation hindi magiging legal ang mga operasyon ng mga cryptocurrency projects sa isang bansa. Isang step rin ito para sa mas mapalawak ang adoption ng cryptocurrency. Ayaw man natin wala tayong magagawa dahil gusto nating iadopt ng isang bansa ang cryptocurrency kaya kailangang sumunod tayo sa mga panuntunan nila.