Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Lunes,pinakamagandang araw para bumili ng bitcoin?
by
AniviaBtc
on 21/01/2020, 21:17:22 UTC
-snip-

Para saakin kung long term investment ay hindi naman na siguro masyadong makakaapekto kung kailan ito nabili as long as magagawa mong mag buy low and sell high, at hindi na rin masyadong magmamatter ang daily average return.

Source:
https://cointelegraph.com/news/new-analysis-finds-that-mondays-are-the-best-days-to-buy-bitcoin
https://www.cryptoglobe.com/latest/2019/11/monday-is-the-best-day-to-buy-bitcoin-data-shows/

Marami siguro sa atin ang hindi sasang-ayon dito dahil alam natin na ang market ay nakadepende sa supply at demand kung iisipin walang masyadong connekta ito sa araw at volatile ang presyo.

Anong opinyon nyo dito ? Anong araw ang pinakamagandang bumili ng bitcoin para sa inyo?


Hindi kaya coincidence na lang ang monday? Kasi as price matters hindi ka babase talaga sa araw like what if nag-pump ng monday eh naka-set na sa mind mo bumili every monday, sigurado akong malulugi ka kundi ka man malugi eh mas matagal 'yong idle time mo para makapag-sell ulit since sa time ng pump ka bumili. Maganda 'yong mga may mga graph graph na 'yan pero minsan 'di siya solid foundation para mag-decide kung kailan ang best day bumili bagkos mas magre-rely ka sa price movement bawat araw para mas ma-execute 'yong best time para bumili.

Maaaring karamihan sa ating bitcoin holder ay mas nagsisimula sa unang araw ng isang linggo kasi mas iniisip nila na magandang simulan ng Lunes, kaya't sa trading volume nagrereflect yung kanilang pagttrade pero nagkakataon din na Lunes pumapatak ang pagttrade kaya't masasabi na maganda ring magtrade sa araw ng Lunes. Ganunpaman ay maganda rin namang maginvest kahit sa ibang araw. Katunayan nga ay pare parehas lang naman kapag naginvest ka depende parin yan sa kung papaano mo papangalagaan yung nainvest mo.