Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Lunes,pinakamagandang araw para bumili ng bitcoin?
by
Periodik
on 22/01/2020, 03:21:14 UTC
Medyo nakakatawang isipin na may mga ganito din palang statistics. Pero sa tingin ko naman wala sa araw kung kelan magandang bumili ng Bitcoin. Ang presyo ang basehan at hindi ang araw. Kapag mababa ang presyo ng Bitcoin e di bibili ka kahit anong araw pa yan. Kapag naman nasa kasalukuyang pump ang Bitcoin e di hindi ka bibili kahit anong araw pa yan.
Tama ka jan, tulad ng sinadbi ko mukang kapag long term investment ay  hindi masyadong mahalaga ang araw ng pinagbilihan mo at nakadepende na kung tataas o bababa ang presyo ng bitcoin sa market.

Mas lalo yatang delikado kapag sa short term mo sinusunod yung pattern ng mga araw. Ibig sabihin maghihintay ka lagi ng Monday para bumili and to maximize your profit? Mukhang hindi magandang strategy yan. Kapag day trader ka, chart at patterns ang tinitingnan mo at hindi kalendaryo. Hehe.

Kaya nga at wag maniwala basta-basta sa mga ganyan dahil hindi talaga nagkaka pareho ang resulta kada lingo or sa particular na araw at siguro coincidence Lang ang nangyari dyan Kaya mas mainam talaga na maging vigilant sa pagbili at aralin ang galawan ng market Kasi pag umasa tayo sa mga ganyang claims e malamang tataob Tayo dyan.

Agree naman  Grin sinabi ko din naman na hindi accurate palagi and for sure not all the time magandang bumili ng bitcoin kapag lunes, masmaganda parin syempre kung pagaaaralan naten ang market ang kung nakikita naman naten na hindi magaanda ang market sa mga panahon na un syempre iaavoid parin naten na bumiili pero since may ganito tayong analysis wala naman mawawala kung susubukan naten.

May mawawala paps, BTC mo. Hehe.

Sa tingin ko kasi coincidence lang to na natapat sa lunes ang may pinakamataas na return. Walang significant relationship kumbaga.

At mind you, hindi ito analysis. Statistics lamang ito. Blind o rough statistics. Sinasabi lang na sa lunes ang may pinakamataas na return pero hindi sinasabi na ang lunes ang dahilan kung bakit mataas ang return.