Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Boy Abunda's statement about cryptocurrency
by
LogitechMouse
on 23/01/2020, 11:09:07 UTC
Alam ng mga scammer na to na mahilig at madaling makinig ung mga kababayan natin sa mga fake news kaya tinatake advantage nila itong fact na ito. Oh well, as if hindi pa mabaho enough ang pangalan ng bitcoin sa Pilipinas. Pinababaho lalo ng mga walang kwentang taong mga to.
Masakit tong sasabihin ko para sa iba sa tingin ko pero icacaps ko ito para mas masakit.

MABILIS MAUTO ANG MGA PINOY AT YAN ANG KATOTOHANAN.

Ito ang dahilan kaya maraming nasscam na pera ng mga peenoise dahil mabilis silang mauto. Ilang flowery words sabi nga nila ay mapapainvest ka na lang sa kanila ng di mo alam. Ito ang resulta ng walang FINANCIAL MANAGEMENT kaya dapat ilagay na din sa curriculum ng mga schools ang financial literacy para kahit papaano mabawasan ang mga scams sa bansa natin dahil sa totoo lang, maraming scammers ang naglulurk sa paligid natin at handang kunin ang pera natin sa kahit anong paraan Wink.

Siguro kung di ko alam tong forum na ito ay marami na akong perang nawala pero salamat dito at lumawak ang knowledge ko about money at sa mga scams at ang mga related topics about it.