Sad to say yun Kasi ang tinatak sa utak ng ating mga magulang na dapat mag aral ka ng mabuti para makakuha ka ng magandang trabaho e sa salitang yan tiyak hanggang sa paglaki NG mga Bata e pag tatrabaho ang paman ng utak nila Kaya dito marami sa atin ang babad sa trabaho kahit hindi gusto ang ginagawala nila.
Una dapat nating malaman bakit kailangang mag-aral.
Isa itong daan para maestablish ang kaalaman ng isang tao. Hindi lang naman sa eskuwelahan nagtatapos ang pag-aaral. Habang nabubuhay tayo patuloy tayong nag-aaral.
Bakit kailangan nating magtrabaho?
Kumakain tayo araw-araw, may mga binabayaran at mga pangangailangan, ang tanong lang naman dyan kapag hindi ba tayo nagtrabaho may pantugon ba tayo sa mga panganga-ilangan natin? Mayoridad sa atin ang pinanganak na mahirap kaya kapag hindi nakapagtrabaho ay walang kakainin sa maghapon.
Bakit hindi magnegosyo?
May pera ba tayong pangnegosyo? Kung wala saan natin hahagilapin? Magtatrabaho tayo syempre tapos mag-iipon. Para makakuha ng magandang trabaho, kailangan nating mag-aral ng mabuti. In short, inihahanda lang tayo ng magulang natin sa mga kakailanganin para umangat ang ating buhay. Kapag nagnegosyo ka.. nagtatrabaho ka parin. Iba ang empleyado sa tinatawag na pagtatrabaho just to be clear.
Ano ba ang magandang trabaho, syempre ang magmanage ng sariling negosyo.
Kaya wag masamain ang mga pangaral ng magulang na mag-aral ng mabuti para makakuha ng magandang trabaho.