Mas maraming taong mayhawak ng 1 BTC or more mas mabuti. Dapat well distributed para safe at para fair din.
Maganda nga iyan but in reality hindi nangyayari ang fair distribution ng wealth dahil na rin sa kaugalian ng tao, yung iba magastos, yung iba tamang tipid at accumulate.
Ang galing lang kasi habang pamahal ng pamahal si Bitcoin ay patuloy pa rin na tumaas ang bilang ng mga addresses na may laman ng 1 BTC pataas. Sana naman hindi lang whales at mga business like crypto exchanges ang majority ng nagmamay-ari nito. Mas maganda kung ang karamihan sa mga addresses na ito ay pag-aari ng mga ordinaryong tao katulad natin.
Sana nga mas maraming ordinaryong tao ang makahawak ng 1 BTC, kung sakali man magsimula tayo ngayon at unti unting magiipon ng BTC, malamang taon pa abutin bago tayo makaipon dahil may mga gastusin din tayo sa bahay, kahit na may trabaho tayo sa labas ng mundo ng crypto, hindi naman ganoon kalaki ang kinikita natin para mabilis na makaipon. Pero sabi nga nila kahit matagal kung matiyaga at desidio, makakaipon din tayo balang araw

.