Tama iyan, sa oras na sumuko tayo ay tapos na ang laban. Ano man ang ating pagkabigo ay hindi na ito mababawi pa dahil nga sa tayo ay sumuko na. Hindi tulad ng pagbangon tuwing mabibigo at pagkuha ng aral mula dito para muling harapin at subukang pagtagumpayan ang mga pagsubok na nabigo tayo at least sa ganitong pamamaraan ay magkakaroon tayo ng muling pagkakataon para pagtagumpayan ang mga ito.
Lahat naman ng bagay ay merong magandang kabayaran, lahat ng pagsisikap and pagttyaga natin ay for sure meron tayong magandang makakamtam, kaya keep moving lang po and huwag basta basta susuko sa laban, kapag nadapa bangon lang ng bangon, kilala ang pinoy sa likhang masayahin kaya nasa sa atin na yon kung paano natin patutunayan sarili natin.
Kung positibo ka sa ginagawa mo lahat ng challenge haharapin mo para maging successful ka. Hindi naman dapat agad agad suko na, dapat assess mo
din ang sarili mo kung tama ba or talaga bang passion mo yung ginagawa mo. Wag mong pasukin ang isang bagay na hindi hinatak or inaakala mo na magiging madali para sayo dapat alamin mo kung nasaan ang advantages mo.
Tama lahat ng sinabi mo kababayan. Kahit gaano pa kahirap ng ating pinagdadaanan ay dapat ay malampasan at mahigitan mo ito balang araw dahil natuto tayo sa ating mga pagkakamali at ito ang ating kasangkapan na para tayo ay bumangon ulit. Walang mangyayari kung hindi ka kikilos sa ikakaunlad mo kung nakikita mo ay iyong kamalian.