Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Pagdami ng mayroong 1bitcoin
by
Periodik
on 25/01/2020, 03:25:24 UTC
Mas maraming taong mayhawak ng 1 BTC or more mas mabuti. Dapat well distributed para safe at para fair din.

Ang galing lang kasi habang pamahal ng pamahal si Bitcoin ay patuloy pa rin na tumaas ang bilang ng mga addresses na may laman ng 1 BTC pataas. Sana naman hindi lang whales at mga business like crypto exchanges ang majority ng nagmamay-ari nito. Mas maganda kung ang karamihan sa mga addresses na ito ay pag-aari ng mga ordinaryong tao katulad natin.

Kung tutuusin isa ngang madaling paraan ang pag aaccumulate ng 1BTC sa ngayon, ito dapat ay unang iprioritze ng mga early cryptocurrency adopters tulad natin, dahil sa nalalapit na hinaharap ay titingalain ang lahat ng may BTC pataas na holdings dahil sigurado ako na tataas ng sobra ang presyo ng bitcoin habang tumatagal ang panahon. Marahil wala tayong kapasidad bumili nito sa isang iglap, ngunit mabisang paraan ang pag ttrade at pag hohold ng kaunting BTC paunti-unti. Nang sa gayon, ay makabuo din tayo ng 1BTC sa ating personal wallet.

Sa totoo lang mahirap na mag-accumulate ng 1 BTC sa ngayon. Pero kahit na mahirap, mas madali pa rin ito kumpara sa mga taong hinaharap. Darating ang panahon kahit 0.1 BTC ay magiging isang pangarap na lamang. Kaya kahit na mahirap, magpupursigi na tayo sa ngayon habang early adopter pa tayo. Kapag sumabog na ang presyo ng BTC, pagsisisi na lang ang matitira sa atin.

Inabot ko na si BTC nung mga panahon na wala pang 50k in pesos ang isa. 2016 alam ko na si BTC. 2017 nasa forum na ako. Mura pa si BTC noon. Pero kasi medyo nag-alangan at hindi inisip na magiging ganito kamahal, hindi bumili ng marami. Lesson learned, wag nang maghintay pa. May chance pa naman sa ngayon.