Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [PHILIPPINES NEWS] Taal Volcano Alert Level 4 already based on Phivolcs Advisory
by
Periodik
on 25/01/2020, 04:35:24 UTC
galing ako ng btangas last sunday, so far so good walang problema sa mga relief at talagang umaapaw mga donations ng tao plus LGU, ang problema lang talaga ay itong mga bakwit ay gustong gusto ng umuwi sa kanilang mga bahay. Yan lang ang tanging problema.

Kasalanan ni vice mayor yan, Dahil sa interview nya kay kabayan nagkakaron ng lakas ng loob ang mga tao na umuwi at suwayin ang utos ng mga pulis at phivolcs.

Maraming nagsasabi na sana pumutok na ngayun at ng matapos na ang problem sa paghihintay at ng makapagsimula muli ang mga nasa evac center. Kesa daw uuwi sila tapos biglang puputok ang bulkan.

May himala po mga kababayan, instead, maging ready lang po tayo pero ipagpray po natin na sana ay huwag na talaga tuluyang pumutok ang bulkan para po hindi na madagdagan pa ang mga pinsala nito sa mga tao, dahil nakakaawa po ang mga tao, need po natin magkapit kamay sa pag pray.

Wala pong himala. Ang himala ay nasa puso ng mga tao. Sabi yan ni Nora. Hehe. Pero seryoso, wag nang umasa sa himala. Bakit ba matigas ang ulo natin at sasabihing magdasal na lang at umasang ilayo sila sa kapahamakan ng panginoon? Ano ba namang pag-iisip yan. Wag lang  umasa sa dasal. Kapag sumabog ang bulkan, sasabog yan. Natural reasons ang nandyan. At kahit anong dasal pa kung hindi ka umalis dyan sa danger zone ay mapapahamak at mapapahamak ka talaga. Hindi maidadaan sa dasal yan kasi active volcano yan. Ang dapat gawin, lumikas papalayo sa bulkan at sa area ng danger. Yun ang makakapagligtas sa mga taong nandyan, hindi ang himala.