Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Millionnaire mind : Paano Yumaman?
by
JC btc
on 25/01/2020, 05:13:51 UTC

Sa tingin ko hindi naman takot ang mga pinoy na magtake ng risks sa investment.  Kung takot ang mga iyan di sana wala tayong nababalitaang naiiscam or nalulugi sa negosyo or sa pamumuhunan. Ngkakataon lang na walang perang pang-invest  ang karamihan sa mga kakilala natin, ni panggastos nga sa araw-araw inuutang at yung mga nagtatrabaho naman ay tama lang panggastos sa araw-araw at mga bayarin, paano pa mag-iinvest ang mga iyan.  Dapat munang malaman ng isang tao ang tamang pagbabudget, magdagdag ng pagkakakitaan bago pumasok sa isang pamumuhunan.  Makikita nyo kapag ang kakilala nyong takot mag-invest eh nagkaroon ng sobra sobrang pera, yan pa ang mauunang maghahanap ng pag-iinvestan ng pera nya.

Hindi tayo takot sa problema, marami sa atin na dating mahirap pero ngayon ay mayayaman na kaya kilala ang mga pinoy bilang isang magigiting na risk taker, sa sobrang risk taker nga natin kahit scam papasukin natin para lang mabago ang buhay natin (which is bad and not alll naman).

Pero minsan tamang diskarte lang ang lahat, alisin nating ang hiya, kung mas malaki ang kita sa pagbebenta, why not diba, pasukin natin kahit weakness natin and set aside ang sasabihin ng ibang tao.