Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paano tanggapin ang pagkatalo sa trade (Bawi tayo mga kaibigan!)
by
Savemore
on 25/01/2020, 09:20:35 UTC
Maraming paraan para masabi nating tayo ay natalo sa pagttrade, marahil ay dahil nadin sa market kondisyon kaya tayo na ddrive mag sell ng ating cryptocurrency, sapagkat para sa akin, maraming beses na akong natalo sa market dahil sa isang rason, yun ay ang panic selling. Dahil na din sa nakikita kong maraming nag bebenta kaya gumagaya ako, kapit sa kaalamang mga whales ang nag didikta ng presyo ng bitcoin. Ngunit, napapansin ko na ang talo ko ay nagmumula sa timing ng aking pag bebenta, madalas na late ko na ito nabebenta kung saan oversold or overbought na ang bitcoin. Maaari itong maging leksyon sapagkat sa market, hindi tayo dapat agad-agad na nag titiwala sa maiksing pagbabago ng presyo, hindi lamang teknikal na pag aanalisa kundi makiayon din tayo as mga bali-balita para kung mag bebenta man tayo, magiging sakto ito sa timing.
Dapat meron tayong "acceptance". Eto kasi talaga yung kailangan natin para maka move on tayo sa pag ka talo natin. Dapat tanggapin natin sa sarili natin na natalo tayo kasi hinde tayo prepared. Hindi naman kasi laging pasko kung saan pwede tayong manalo araw araw. Dapat alam natin na may mga araw talaga na hindi pabor saatin. Ang pag katalo sa trade ay may mabuti ding idinudulot dahil nag pupush ito saatin na mag improve pa tayo.