Habang nagbabasa ako ng advisory sa coinsph at mga comments ng mga nabiktima ng recent phishing scam, me nabasa akong nakakatawang comment. Pati pala coins pinatos na din ng mga low life scammers.

Meron din sila mga mga made up accounts para patunay kunwari na legit yung promo nila

Syempre, karamihan sa atin (kung hindi lahat) ay pamilyar na sa mga ganitong galawan ng mga scammers pero sigurado na marami pa din sa mga kakilala natin ang hindi aware at posibleng mabiktima. Maari lang na inform din natin sila sa mga phishing, giveaway at iba pang uri ng scams.
Ito yung
fake page (do not visit).
https://www.facebook.com/Coinsph-104868301070849/
Heads up guys, yung method ng mga scammers na na-post ko na sa
Fake Airdrops on Facebook thread ay ginagawa na din sa coinsph. Maari lamang na gabayan natin muli ang mga kakilala natin na huwag mahulog sa mga ganitong scam.
For better image, just visit the comment section ng
How to Spot Fake FB Pages
Just few days, kakakatawa nga maraming beses na ako finolow sa twitter ng the same name at same profile pic ng coins sa twitter tapus may auto message pa about sa coins na naka free hosting sa webhost. Takte mga scammers masyadong nagkakalat na, be aware and be knowledgeable nalang to avoid these scams.
Mag ingat po tayo sa kumakalat na phishing emails na galing daw sa Coins.ph.Wag na wag kayo mag lo login dyan sa link na nasa email.
Possible na manakaw funds nyo sa account lalo't walang 2fa enabled.
May ibang tao talaga na masama ang budhi. May crisis na nga dahil sa Covid-19 nanamantala pa


Hint dyan kung bakit naging scam ay yung sa email ng sender.

I created a new topic para hindi matabunan doon sa main thread. Pwede din i-post dito kung may parehong scams na ginagawa sa ibang crypto apps gaya ng abra at spark.