Actually ang price prediction ay isang motivation para sa atin sa pagkat kapag nakarinig tayo halimbawa ng isang magandang price prediction lalo na kung mataas ay lalo tayong gaganahan halimbawa dito sa forum, lalo tayong gaganahan na magpost.
If price predictions ang magpapa motivate sa isang tao para magsikap at maging bullish sa bitcoin then wala akong comment. Might as well ask fortune tellers kung ano ang mangyayari sa future ng isang tao.
Ang price prediction ay isa ring guide para sa atin sa kung ano ang dapat nating asahan halimbawa sa darating na halving season inaasahan na tataas ang presyo ng bitcoin dahil dun inaasahan rin na mas maraming tao pa ang sasali sa crypto world dahil sa patuloy na pagtaas ng prsyo ng bitcoin.
Hindi magiging "guide" ang price prediction sa simpleng rason na kahit sino pwedeng mag point out ng price.
Also, hindi lahat ng tao ay nag eexpect na tumaas ang price ng bitcoin sa halving, oo, kahit ung mga market analysts, dahil marami rin pwedeng circumstances na magpababa ng price ng bitcoin, instead of sa inaasahan ng karamihan. In the end, no one knows parin, hence rendering predictions useless. Check niyo most of the bitcoin price predictions throughout the years. Safe to say na more than 85% e sablay.
Only good thing na nakikita ko sa price predictions, ay nakakakuha ito ng publicity sa masses. Besides that, wala akong maisip as of now.