galing ako ng btangas last sunday, so far so good walang problema sa mga relief at talagang umaapaw mga donations ng tao plus LGU, ang problema lang talaga ay itong mga bakwit ay gustong gusto ng umuwi sa kanilang mga bahay. Yan lang ang tanging problema.
Kasalanan ni vice mayor yan, Dahil sa interview nya kay kabayan nagkakaron ng lakas ng loob ang mga tao na umuwi at suwayin ang utos ng mga pulis at phivolcs.
Maraming nagsasabi na sana pumutok na ngayun at ng matapos na ang problem sa paghihintay at ng makapagsimula muli ang mga nasa evac center. Kesa daw uuwi sila tapos biglang puputok ang bulkan.
Loko pala itong si Vice mayor, yan tuloy nagkaroon ng kaguluhan. Hindi naman siya ang authority tungkol sa kalagayan ng Bulkan eh nagmamagaling. Porke nakikita nya na hindi na gaanong nagaalburot ang bulkan ok na agad. Hindi nya naisip na hindi lang yung pagbuga ang tinitingnan kung puputok ito o hindi. Maraming pang mga pinag-aaralan dyan tulad ng paggalaw ng lupa at kung gaano ito kadalas at marami pang iba.
Pera sana naman umok na ang kalagayan sa lugar na iyan. Prayers lang talaga ang magagaw natin laban sa kalikasan.