Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Maharlika Money
by
JC btc
on 26/01/2020, 16:20:33 UTC


Ang tanong lang naman dyan, sino ang matinong tao ang tatanggap ng pera nila?  Kahit na siguro sila hindi nila tatanggapin yan kung ibibili sa kanila ng pagkain.  Wala pa nga silang pinapakitang establishment or tindahan na tumatanggap ng pera nila tapos sasabihin nila may value.  Gawin muna nila ang magtayo ng isang merkado kung saan tatanggapin nila ang pera nila pangbili ng mga pangagailangan pang-araw-araw.

Marami nga actually, kung mapapansin mo po yong video sa Jessica Soho andaming mga tao yong iba galing pa sa ibang lugar para lang makakuha ng pera, yong iba paiyak iyak pa, hindi alam ata na wala pang value and wala pa naman assurance na magkakavalue yon. Ewan bakit may mga taong napapaniwala..

Despirado na yung mga taong yun napaniwala na sila ng matamis na pangako na once magkavalue yung pera ng grupo malaking halaga ang makukuha nila. Hindi na talaga maiiwasan dahil nga sa hirap ng buhay at sa kaunting kaalaman nung mga pobreng mga tao. Kungbaga sugal na sila at pikit matang magbabakasakali.

Sad to say na maraming ganyang mga tao, na magttake advantage din, magbabakasali baka nga naman daw totoo, dapat mawala na yong ganitong sistema sa atin yon aasa na lang sa luck, or sa mga ganyang 'bahala na' , try lang naman.. nakakalungkot dahil marami pa din silang nauuto, pero ganun talaga, dapat lang siguro natin silang iremind lagi.