Ang cryptocurrency kabilang ang Bitcoin ay sensitibo sa mga 'geopolitical' na mga usapin. Naapektuhan ng US-Iran Tension ang presyo ng Bitcoin. Ang halaga nito ay umakyat sa $9,194.99.
https://www.coinspeaker.com/coronavirus-gold-bitcoin-prices/amp/Kung naapektuhan nito ang presyo, maaari kayang maapektuhan din ng isang malaking krisis katulad ng corona virus na ngayon ay kumakalat, ang adaptasyon ng Bitcoin sa isang bansa?
Ewan ko lang sa adaption, pero kung ang mangyayari nanaman ay isang napakalaking hacking sa mga Big Name Exchanges, wala ng duda babagsak talaga ang presyo nito dahil na rin sa mga past history sa mga nagdaang taon. sa tingin ko hindi naman talaga makakaapekto ang tulad ng mga virus dahil hindi pa ito umaabot sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa, lalo na ang china. except nalang talaga kung wala nang bumili sa kanila ng kanilang mga produkto. ito ay magiging dahilan ng pagbagsak ng kanilang pera at malaking pagbabago sa presyo ng BTC.
Walang direktang epekto Ito sa bitcoins kung tungkol lng naman sa adoption ang kinakatakot natin kasi global known naman ang Bitcoin although Hindi pa gaano kalakas ang presensya nito but still Hindi dapat magpanic ang tao dahil sa china palang naman ang kasalukuyang malala ang kaso ng sakit na un. Pero Kung sa demand naman tiyak mababawasan talaga dahil alam naman natin na ang china ang may pinaka malawak na merkado sa larangan ng crypto at tiyak na kukunti lang ang demand ng bitcoin sa bansa nila dahil ang mga tao ay nasa state of shock pa dulot nito at ang ilang lugar din dun at nakalock down kaya siguro sa panahong Ito di natin maramdaman ang presensya ng china.