Nakakatulong nga ba sa ating mga pilipino ang mga price prediction ng mga batikan at sabihin na nating magaling na mga investors sa bitcoin o isa lang itong falsehope o sa tagalog ay paasa?
Yung mga price predictions kahit na galing pa sa "expert" hindi natin pwede sabihin na reliable o may assurance na mangyayari. Pwede sya maging guide para sa next price pero hindi pwedeng dun ka lang mag rely, mas maganda na marunong ka din bumasa ng charts at magkaron ng sariling understanding sa pag analyze ng market.
Kahit yung past history hindi natin sigurado kung mangyayari ulit gaya na lang ng impact ng halving sa price ng bitcoin, assuming tayo na may positive impact ito pero hindi parin guaranteed yun. Depende satin kung pano ba natin i handle ang mga predictions, pwedeng maniwala pero wag 100% kasi tayo rin ang madisappoint sa huli.