Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Millionnaire mind : Paano Yumaman?
by
makolz26
on 27/01/2020, 14:47:24 UTC
• Business
Ang eskwelahan ay isang negosyo at ginawa para makagawa ng mga empleyado at kung gusto nating yumaman wag tayong manatiling  empleyado gumawa tayo ng negosyo. Bilang isang empleyado kahit gaano mo sipagan, ang yayaman pa din ay boss mo. Sabihin na natin na promote ka, oo lalaki ang sahod mo pero ang yayaman pa din ay boss mo.
Siguro sinasabi niyo na hindi kayo mga negosyante pero ang totoo lahat ay matututunan kung gusto mo talaga na gawin ito.

Sa totoo lang, Ito lang yung tested pag tumama ka talaga. malakihan kasi ang kita dito pag konti lang ang ka kopetensya mo sa business na pianasok mo. pero yung iba ay nagiging iba na kapag yumaman. yung bang tipo na kahit 1 peso pinagkakait sayo. marami na akong na encounter na mga businessman yung karamihan sa kanila nagbibilang lang ng pera buong araw at kahit konti lang yung lugi, ginagawa nilang big deal. kaya paalala sa mga kapwa ko pilipino, kung sakaling yumaman kayo always nyong tandaan na nanggaling din kayo sa mahirap.

Kaya kapag may chance po talaga tayo huwag tayong manghinayang, gawa tayo ng paraan para tayo ay makapagnegosyo, huwag nating hayaan na hanggang dito na lang tayo, although may work naman na yayaman ka pero huwag din nating isara ang oportunidad para tayo ay hindi magnegosyo.