Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [Off-Topics] Pilipinas
by
Periodik
on 28/01/2020, 04:29:48 UTC
Alam niyo ano pinakamasakit sa pagkamatay ni Kobe?

Yung sasabihin mo sa anak mo na magiging okay lang ang lahat pero deep inside alam mo na ang hahantungan niyo.
Yung wala kang magawa na kahit ano para mailigtas lamang siya.

Kaya hangang ngayon naiiyak pa ako.
Kasi pano kung sakin mangyare yun kasama ang anak ko.
Ano sasabihin ko?!

Yakap ng mahigpit sa pamilya araw araw talaga ang kailangan na parang wala ng bukas.

Tama yan. Sabi nga e wala namang kasiguraduhan ang buhay natin. Hindi tayo sigurado na andito pa tayo bukas o kahit mamayang hapon. Ang mahalaga tinatamasa natin ang bawat ngayon.