Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [PHILIPPINES NEWS] Taal Volcano Alert Level 4 already based on Phivolcs Advisory
by
makolz26
on 28/01/2020, 11:12:18 UTC
Ano po ba balita? Mukhang kalmado na po to sabi ng mga tao kaya pwede na silang bumalik sa kanilang mga lugar? Totoo po ba to? hindi na po ba delikado? Kasi di po ba sabi nila dati anytime pwede pa din tong sumabog? Level 3  is still serious sana tama yong kanilang decisyon na payagan ang mga tao na bumalik na sa kanilang tahanan.

20 KM lang ang bahay from taal and overall normal na buhay dito at yung mga tao sa evauation center umuwi na pero yung iba ayaw pa umuwi kasi wala na silang uuwiang bahay at pati kabuhayan wala na din. Kaya karamihan din nasa evac center pa kasi free food and accommodation din.
Nawalan din sila ikakahanapbuhay dahil yung iba pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop na maaaring ibenta ay namatay na dahil sa pagsabog na ito. Sana ang gobyerno ay gumawa ng action about dito na mabigyan sila ng panghanap buhay kahit puhunan para makasimula sila ulit dahil kawawa naman sila super apektado talaga sila dahil diyan. Sana lang tuloy tuloy na ang maging kalmado ng bulkang taal.

Kaya nga eh, kaya dapat handa talaga tayo kung merong mga emergency na tulad nito, mahirap kasi talaga kapag may mga bagay na ganito, dapat may emergency fund ka, dapat meron kang extra laging pera. Anyway, good thing na maraming mga pinoy naman na tulong tulong sa ganitong may kalamidad, masarap talaga sa pakiramdam.