Why risk your money on what others are saying? Tandaan mo pera mo yung rini-risk mo sa pag-follow sa kanila ng bulag, wala silang sabit dyan pag naubos mo yung pinaghirapan mo dahil naniwala ka sakanila. Price predictions o forecasting ay nakakatulong sa trade kaya lang dapat ikaw din mismo ay alam kung paano ito mapapagana, kasi kung di mo alam yung sinasabi nila paano mo malalaman lung accurate nga yung price prediction nila? If I were you I'll just look at their analysis/prediction to have a good idea on what will happen and then confirm it by myself. Mas mainam yun at mas maseseguro mo na safe ang capital mo.
Kung ako ang tatanungin about diyan ang masasabi ko lang ay hinde ito helpful na desisyon kung gusto natin kumita sa market. Oo nga naman bakit natin hahayaan na sundin yung opinion ng iba eh may sarili naman tayong pag iisip. Ang iba kasi akala nila easy profit sa trading kung saan kapag sinunod lang nila ang prediction ng isang tao ay yayaman na sila. Actually, kadalasan ng mga natatalo ay dahil sa pag sunod nila sa mga price predictions all over the internet.
Maganda pa din malaman ang opiniyon ng mga experts, kasi kaya nga sila ekspert doon mas alam nila, pero take in mind din, dahil alam nilang marami ang nagrerely sa kanila kaya posible din sialng magtake for granted, kaya minsan salungat din yong gagawin nila sa suggestion nila, kaya ingat, decide at our own risk pa din.