Tama kaibigan tsaka isa pa bukod sa ating emosyon madalas ay nagiging padalos dalos tayo sa ating mga desisyon nasa isip agad natin ay kita without planning kung paano natin makukuha yung sinasabing kita. Hindi rin natin naiisip yung mga risk kasi nga nagmamadali tayong kumita. Kumabaga parang nagaalatiyamba tayo kaya yung iba kapag nabigo nadadala na umulit paano nagpadala kasi sa hype.
Sakop din ito ng emosyon dahil sa mga hype nagiging excited ang tao para agarang bumili sa merkado. Nasasakop sila ng pagkagahaman dahil iniisip nila na kailangang makabili agad para hindi mapag-iwanan at mas malaki ang tutubuin. Kaya nga sabi sa rules ng trading, don't trade kapag sobrang emosyonal dahil sa mararanasan ang mga pagkakamaling iyan.
Tandaan po natin na pagdating sa trading laging may kalakip yan na risk, so bago po tayo magtrade, itanong po muna natin sa ating sarili kung ready na ba tayo magtake risk, manalo, matalo, ano ang mga bagay na una nating gagawin, target nating profit and so on, hindi yong may pera ka ngayon, magttry ka baka sakali.