Post
Topic
Board Pamilihan
Topic OP
Binance, tutulungan ang mga Corona Virus Victims
by
Debonaire217
on 28/01/2020, 15:25:11 UTC
Narinig mo na ba na ang binance ay gumagawa na ngayon ng hakbang para tulungan ang mga Coronavirus victims sa Wuhan China? Ang kanilang CEO na si CZ ay nag announce na nag binance ay nangakong mag dodonate ng 1.5 million halaga in dollar para tulungan ang mga biktima.

Link

Satingin ko, and mga proyekto sa cryptocurrency, exchanges, at mga plataporma ay hindi lamang ginawa para sa ika uunlad ng mga tao sa likod nito, kundi para tulungan at suportahan ang mundo kapag ito ay nangangailangan.

Bilang karagdagan, Iniisip ko ang mga posibleng epekto ng Coronavirus sa ating market, ngunit ngayon, napagtanto ko na ang Coronavirus ang mag ttrigger sa mga tao upang mag withdraw ng kanilang mga funds para tulungan ang mga taong talagang nangangailangan ng suporta, sa kabila ng epekto nito na maaaring mag pababa sa market price ng mga crypto, ang mahalaga ay makatulong, at panatilihing ang ating mundo ay ligtas para sa lahat.

Huli, ang pera at investment ay naibabalik sa hinaharap, ngunit ang maaaring tulong na ating gagawin gamit ang cryptocurrency sa China ay magsilbing dahilan para maunawaan nila na ang cryptocurrency ay mahalaga, dahil meron itong kakayahang magpahaba ng buhay.