Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Kahalagahan ng Trading Psychology
by
lionheart78
on 28/01/2020, 15:36:56 UTC
Pinakamalaking pagkakamali yung ganitong paraan ng pagttrade, ung akala mo madali at akala mo ganun ganun lang lahat. Naikwento lang sayo ng kakilala or kaibigan bigla mong papasukin, ang magiging katapusan nun madalas lugi. Dapat alam mo ung ginagawa mo at hindi ka padalos dalos at nagpapadala sa maling emosyon mo.

Tama dapat talaga wag hayaang maapektauhan tayo ng pagiging excited.  Kadalasan nawawala ang pagiging rational ng isang tao pag sobrang tuwa.  Sabi nga,  "kalma lang" para makapag-isip ng maayos.  Ang alam ko isa rin yan sa guideline na huwag magtrade pagsobrang saya o di kaya ay mag-invest dahil lahat na ay magiging positibo ang pananaw natin at naisasantabi natin ang mga bagay na dapat isaalang-alang.