Hindi sapat ang pagsisikap at pagtitiyaga lamang dahil kailangan mong sumugal, sa english "take a risk". Maraming opportunity ang nasasayang kapag hindi mo sinusubukan ang sarili mo sa mga ganung bagay. Kahit hindi sigurado, kailangan mo paring gawin yung best mo, ganun naman sa lahat nh bagay, magsisikap ka talaga kahit ano mangyare. Tulad nga ng sinabi ko, sumugal ka, wag mong isipin yung paghihirap. Kapag magiinvest ka sa isang bagay, kailangan mong gawin lahat ng diskarte para mas maging matagumpay ka. Minsan kailangan din ng likot ng utak at diskarte.
Naiintindihan ko ang punto mo pero dapat hindi lang basta sugal ng sugal, dapat ang pinapasok mo ay mababa ang calculated risk na magiging failure ang venture. Kaya nga me tinatawag tayong risk managment para malaman natin kung karapat-dapat ba ang gagawin natin sa isang bagay. Sabi nila high risk daw ay high reward, tama yan pero hindi lang natin alam, sa pagkakasabi niyan ay may calculated risk na silang papasukin at may mga steps na rin silang gagawin. In short pinagplanuhan na ang lahat at may mga secondary options na silang gagawin (fail safe 'ika nga)