Oo paps. Ang galing nga ni Kobe e. Hindi lang naman siya on court magaling e. Hindi lang naman si Kobe legend on court. Legend din sya sa pagiging mabuting ama at asawa. Kahit busy sa laro at sa practice lagi pa rin syang nandyan sa asawa't mga anak nya. Kahit nga daw mga activities nila lagi niyang napupuntahan kahit galing siya sa malayo. Sumasaglit pa rin sa mga mahahalagang events.
Nagthrowback din ako sa mga message nya and talagang nakakainspire mga mensahe nya, isa siya sa mga hinahangang basketball player and talagang maraming mga tao ang nalungkot, hindi din ako nanunuod lagi ng basketball pero nakikita ko na mabuti talaga siyang tao.
Isa sa mga dahilan kung bakit grabe ang impact ng pagkawala ni Kobe ay hindi lamang kasi magaling sya sa court at superstar at legend sya dun, ito ay dahil isa syang modelo kahit sa labas ng ring. Kahit sa pakikipaglaban sa karapatan at kakayahan ng mga babae ay isa sya sa mga inspirasyon.