Nakakatulong nga ba sa ating mga pilipino ang mga price prediction ng mga batikan at sabihin na nating magaling na mga investors sa bitcoin o isa lang itong falsehope o sa tagalog ay paasa?
Yes and No.
If newbie investor ka at umaasa ka sa mga technical analysis ng mga experts since ang technical analysis ay considered na price prediction din, for sure nakakatulong ito para sa iyo dahil may basis ka kung kelan ka bibili or magbebenta.
Now paano ko nasabing hindi? Dahil sa mga experts na ito, malaki ang chance na tumaas ang hype ng isang coin at pwede nila itong way para ibenta ang coins na hawak nila. Isa pa, nasabi na ni @mk4 na ang price prediction ay pwedeng gawin ng kahit sino. Kahit nga walang alam sa crypto pwedeng mag predict eh. Tanungin mo lang "Anong pwedeng maging price ng Bitcoin sa susunod na taon?". Pwede siyang sumagot ng kahit anong price and considered na prediction un.
Nanonood ako sa isang youtuber na expert sa TA pero pinapanood ko lang ito para maging handa ako sa maaaring mangyari sa crypto world lalo na sa mga prices nila. Sa totoo lang short to long term holder ako ng Bitcoin kaya useless sa akin ang price prediction. Isa pa, anything can happen in crypto. One time umaaasa ka na aaabot ng lets say $100,000 ang BTC pero un pala papuntang $1,000.