Sa tingin ko ay mukang mayroon naman pinagbasihan ang statistics pero kung titignan at iisipin lamang naten ang kalakaran sa market ay wala naman talagang araw kung kailan magandang bumili ng bitcoin at sure ang profit kapag bumili ka sa araw na yon. Sa tingin ko ang statistics ay basehan lamang sa mga nakaraang ganap sa market dahil kahit na nakikita natin ang malawakang paggalaw ng bitcoin sa market example from 12$ to 7k$ ay sa isang araw ay hindi naman basta basta na lamang bumababa o tumataas ang presyo ng bitcoin kundi naglalaro pa ito sa pagdaan ng mga araw like kunwari magiging 8.5k$ sa friday tapos 9k$ sas saturday tapos 6$ sa sunday. Sa buong linggo ay maraming paggalaw sa market ang nangyayari kahit nagkaroon ng ganitong statistics kung kayat siguro lumabas na lunes ay ang pinakamagandang araw para bumili ng bitcoin. Pero dahil statistics lamang ito ay siguradong hindi palaging magiging tama o palaging magandang bumili kapag lunes.