Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 10 from 8 users
Topic OP
MGA DAPAT IWASAN NG MGA NEWBIE(IWAS SCAM)
by
Taskford
on 03/02/2020, 01:49:06 UTC
⭐ Merited by molsewid (2) ,xSkylarx (2) ,abel1337 (1) ,TitanGEL (1) ,KnightElite (1) ,Beparanf (1) ,Halab (1) ,GreatArkansas (1)

Dahil talamak ang scam dito at sa ibang social media platforms e nararapat Lang na e educate natin ang mga baguhan kung ano ang mga platforms na dapat nilang iwasan upang hindi mawala ang pera na pinagpaguran nila.







CLOUDMINING[/b

Alam naman nating lahat na ang mining ay isa sa paraan upang makalikom ng Bitcoin pero hindi lahat ng mga Tao ay Kaya makabili ng hardware's dahil sa presyo nito na napaka mahal at tsaka idagsag mo pa ang maintenance cost ng operation nito. Kaya ginamit ng nga scammer ang pagkakataong Ito at gumawa ng cloudmining Ponzi platforms at inooffer sa mga Tao at marami na ang nabiktima nito at hanggang sa ngayon talamak parin ang paggamit sa katagang Ito.






CRYPROCURRENCY TRADING OR BOT TRADING



Gumagamit din ito ng mga scammers upang makapag biktima ng mga tao at kadalasan ay nag papalita sila ng portfolio nila upang makuha ang inyong tiwala at maki-ride kayo sa kanilang mga trades pero Ito ay purong kasinungalingan lamang dahil ang totoong nangyayari dyan is gumagamit nilang pangpay out ang mga bagong nako ride sa panloloko nila at pag makalikom na sila ng malaking halaga e dun na magsisimula ang lag exit nila. Although meron din namang legitimate site na nag offer nito pero Hindi lang sya magpapansin dahil ang kadalasan mga napopromote ngayon at scams dahil nadin sa referral commissions na makukuha nung nag promote ng platform o di kaya nga programs na inaalok ng Tao.






MLM-PYRAMID SCHEME

Kadalasang ginagamit nilang pang enganyo sa kanilang biktima ay mga sasakyan,pera at kung ano paman at Isa Ito sa mga dapat iwasan natin dahil hindi tiyak na kikita tayo dito gaya ng pinapangako ng mga nag recruit sayo at magiging kawawa ang mga huling nag pay-in dahil tiyak sila ang lugi sa pyramid scheme na investment. Madami na tayong nababalitaang ganito at wag na magpadalawa sa matatamis na salita at mabubulaklak na abubot na pinapakita.






DOUBLER X2

Ito sikat to dati at marami din ang na biktima nito at dapat mag ingat sa mga offer na ganito dahil wala talagang platform na nag binigay ng doubleng kita sa napaka ikling panahon at dapat mag ingat at wag mahumaling dito dahil Isa lang ang kababagsakan nito at yun ay itatakbo ang pera mo.





Lahat ng  ito ay gumagamit ng Ponzi scheme na sistema at di dahil nabayaran ka nung una is matatawag mo ang isa dyan na legit, dahil un talaga ang Plano nila mag bayad upang makaakit ng mga tao upang magdadag o maka hikayat ng mga bagong tao na pumasok sa kanilang platforms.

Maging matalino sa pera at wag maniwala ng basta-basta.



May isa pa na madalas ginagamit ng mga scammers in recent years sa crypto world:

  • Gambling game scams [e.g. SCAM ALERT https://crypton.bet]
    Kokontaking kayo ng scammer through isa sa mga social apps tapos sasabihin nila na moderator or admin sila ng isang crypto gambling site at kaya nilang piliin kung cnu ang lalabas na winner dun sa laru tapos sasabihin nila na hati sila sa winnings ng 50-50 pero kailangan mag deposit kayo para malaman nya na hindi bot ang kausap niya.
    - Proof






Bukod sa mga dapat iwasan kailangan ding maging aware ang mga newbie sa mga sistema na ginagamit ng mga scammer para makapag extort o makakuha ng pera sa mga Biktima.  Ang example na binigay ni OP ay tinatawag na Golden opportunity gambling scam o di kaya ay make money fast scams.  Sa pagsaliksik sa google nakita ko ang mga schemes o mga diskarte ay hindi lang pa kaunti kung hindi napakaraming paraan ng pang-iiscam.  Dapat maging aware tayo sa mga sumusunod:

Phishing email scams
The Nigerian scam
Greeting card scams
Bank loan or credit card scam
Lottery scam
Hitman scam
Online dating (romance) scams
Fake antivirus software
Facebook impersonation scam (hijacked profile scam)
Make money fast scams (Economic scams)


Paliwanag sa link na ito

At kadalasan naman makikita natin ang mga common Scams na ito na naglipana sa internet.

Advance fee fraud
Lottery, sweepstakes and competition scams
Computer hacking
Online shopping, classified and auction scams
Banking, credit card and online account scams
Small business scams
Job and employment scams
Charity and medical scams


Maaring nyong bisitahin ang link na ito para sa mga paliwanag ng mga nabanggit.





IDENTITY USER [TELEGRAM SCAMMERS]


Sa paraang ito kinokopya nila ang pangalan ng admins,supports or yung owner mismo at nag kukunyaring tutulong kapag me issue ka or di kaya kunyari may special bonus kung direkta kang mag iinvest sa kanila at kadalasan sa mga gawain nila ay may address silang ibibigay sayo at dun mo daw ihuhulog ang deposit fee or kunyari bayad sa pagtulong sayo.

talamak ito sa telegram kaya ingat at verify nyo ang real admin sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang official channel.