Maglalagay sila ng ganyang limit tapos wala rin naman pala. Kapag umabot ka sa mataas na threshold nila, hingi agad dokumento haha.
Kahapon nagpa level 3 ako baka sakali tumaas yung limits kahit naka custom ang status ko ngayon pero wala rin useless din pala. Ang higpit naman nila wala naman akong pinapasok na malaking amount sa account ko almost 2 years na.
Grabe naman.
Parang kakaiba naman sila magtanong at humingi ng verification tulad ng sa additional KYC. Kaya nga tayo nagpasa nung dati pa para maging verified na tapos, lalagyan nila ng limit. Dapat sundin nila yung per level.
Kaya nga eh. Limited lang ang pag cash in at cash out ko now, nakakainis kung iisipin wala naman akong nilalabag sa rules para hingan nila ng kung anu-anong financial documents. Pero try ko pa rin sundin yung gusto nila kasi matagal na din ang account ko almost 5 years na, tapos 2016 pa ko verified.
Ako actually napilitan lang magpa interview kahapon. Naka hold ang account ko. NEGATIVE ANG LIMITS KO. Lalo na sa Cash In. May 5-10 process pa saw bago nila jbalik sa.normal account ko. Butinna lang talaga may account si waifu.
Yung naging interview sakin smooth din, kala ko ok na kasi basic lang naman ang mga tanong at satisfied naman sila sa mga sagot ko sinabi ko rin unemployed ako pinaliwanag ko lang yung tungkol dito sa forum.
May work ka ba ngayon? Advantage kasi pag may work madali ka makakapagpasa ng proof kung san nanggagaling ang pera na napasok sa account mo.
Ngayong araw lang nagpasa ako ng coe, waiting pa ko ng update kung kuntento na ba sila dun o hihingan ako ulit.