Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 2 from 1 user
Re: Price Prediction, is it helpful or falsehope for us?
by
AniviaBtc
on 04/02/2020, 11:01:02 UTC
⭐ Merited by Wexnident (2)
Nakakatulong nga ba sa ating mga pilipino ang mga price prediction ng mga batikan at sabihin na nating magaling na mga investors sa bitcoin o isa lang itong falsehope o sa tagalog ay paasa?

Sa tingin ko hindi tayo dapat nagpapaniwala sa mga predictions dahil tayo ay nag eexpect na mangyayari talaga ito. Last 2018 or 2019 yata marami ang nagsabi na aabot sa $50k ang presyo ng bawat bitcoin kaso hindi ito nangyari bagkus umabot pa nga sa punto na halos naging $3k ang bawat presyo nito. Marami ang nadismaya sa pangyayaring ito at isa na din ako sa mga yon. Dahil sa panyayaring ito natutunan ko na huwag dapat magpaniawala sa sabi ng iba kahit expert pa sila dahil walang nakakaalam kung ano ba talaga ang mangyayari.

mga expert kuno tapos magkecreate ng hype sa market pero madami ang nagfefail, since very volatile ng presyo mas maganda na wag na lang maniwala yung basis nila wala ding magagawa kasi ang gumagawa naman ng presyo is yung mga investors at whales pag di sila gumalaw wala ding mangyayare sa presyo.

Totoo, walang sinoman ang makakapagpredict ng magiging mangyayare sa bitcoin kahit ilang taon pa ang lumipas. Noong 2017 nga eh hindi natin inaasahan na aabot sa mahigit $10k USD ang bitcoin. Bigla nalang siyang nangyare at biglaan nalang rin syang bumaba, kaya't mahirap magpredict kahit gaano ka pa kaprofessional sa ganito. Masyadong unpredictable and galaw ng merkado kaya't yung iba naghihintay nalang din na tumaas ito, naghohold sila ng bitcoin ng napakatagal. Bumibili at nagiinvest sa iba't ibang mga coins, napakahirap kung tutuusin dahil hindi mo alam kung kelan ka malulugi ka ba or kelan ka kikita.