In my own opinion I would say na wala syang epekto sa Cryptocurrency Market. Bakit ko nasabi? Sa kadahilanang hindi naman naapektuhan ang kaalaman ng mga mamamayan sa usaping patungkol sa Cryptocurrencies. Totoo ang mga sinabi mong ang palitan ng pera ay isang direktang pagpasa ng mga mikrobyo na maaaring makasanhi ng sakit pero hanggang duon lang iyon.
Mabalik sa reyalidad, ang nCOV ay hindi isang sakit na maaaring makapag-pataas o baba ng anumang presyo ng isang pampinansyal na asset. Wag nating bigyang kahulugan ang mga pangyayari sa usaping pangkalusugan, ito'y nakakabahala at maaaring iwasan
Sa totoo lang malaki ang posibilidad na maaapektuhan ang financial asset due to ncov. Halimbawa kong maapektuhan ng ncov yung tao na number 1 sa pagmimina ng bitcoin(halimbawa lang po ito di ko po dinadalangin), malaki ang epekto nito sa pangkalahatan kapag natigil ang kanyang pagmimina. Alam naman natin na naging pandemic na ang ncov so maraming posibleng mangyari na mas nakaapekto sa crypto currency like ng pagbaba ng stock sa stockmarket.
May point ka bro, Nabasa ko din before na nasa china ang pinaka malalaking bitcoin mining company. Pero I think hindi naman basta basta madidiscontinue ang kanilang operation. But it always has a tendency to affect ceyptocurrency kaso minsan di rin talaga visible saatin ang effects. Hoping na walang maging big issue itong virus na to sa ceyptocurrency.