May factor din naman kasi yung topic, if a person doesn't know what to say about it, mas okay na hindi na lang mag post diba? Kasi mahirap din naman maging active ang mga tao kaso maging non-sense naman ang post or paulit ulit lang. Pangit din naman yun diba?
Agree ako dito, may topic na mahirap replayan lalo na kung wala ka idea sa ganung bagay baka sabihin non sense yung reply para lang may masabi kaya much better magbasa na lang.
On the other side malaking factor ang signature campaign kaya motivated tayo mag post lalo na kung counted sa local, matagal na rin issue ito at aware naman tayo sa ganitong bagay kaya siguro wag na tayo magtaka.
Meron ako kilala na helpful ang mga post nya pero mula nung nawala yung sig na sinalihan nya hindi ko na sya napapansin mag post particularly dun sa isang thread na kalimitan nasasagot nya pag may queries.