Maaaring yun din ang isang malaking dahilan kung bakit dumalang ang pagrereply ng ilang mga kababayan natin ay dahil sa pagkawala ng ibang signature campaigns. Nakakalungkot lang isipin na nabubuhay lang ang local boards dahil sa mga ganitong dahilan.
Yan ang majority pero hindi sa lahat ng hind nagpopost. Karamihan kasi sa mga topic ay nasagot na ng naunang nagreply, alangan namang ulitin pa ng susunod, yung mga naghahabol siguro ng post gagawin iyan pero syempre sa mga nakakaintindi ng spam messages sa forum, alam na nila gagawin. Magbabasa na lang. Halos everyday ako online, di ako makapagpost dahil nasabi na ang gusto kong sabihin. Tapos yung ibang topic naman ay hindi nangangailangan ng reply. Siguro if there is more topic created in this local (hindi iyong mga translated topic from other boards) na engaging, makikita natin siguro ang pagiging active ng ibang nagmamatyag matyag lang.
Pero kung ganun man siguro ang kailangan natin is mga makabuluhang topic ung tipong masaya at informative para naman magkaroon ng magandang impact sa local board natin. At tsaka sa opinion ko lng ah di natin kailangan ng translated thread since na open na un sa global and tiyak marami nadin ang nakabasa nun.
Indeed, nawawala kasi ang interest kapag translated topic from other boards ang gagawin, at hindi kailangang itranslate ang isang thread kung gusto itong idiscuss sa ating mga kababayan dito sa local boards, they can just do it by simply listing ang mga importanteng details ng topic, link the topic at tanungin ang saloobin ng ating mga kababayan ukol dito.