Nakakatuwa nga na naabot natin uli ang $10,000 pero anong masasabi nyo sa price ngayong araw? As of yesterday, na reach natin at na maintain ang price ng $10,000, pero ngayon bumaba na siya ulit below $10,000. Satingin nyo, tutuloy ba ang pagbaba at magkakaroon ng correction o tuloy ang pagtaas at ang to the moon natin?
Last year kasi naabot natin ang $10,000 pero hindi tumuloy at bumaba ito (Check nyo ang market history). Ano ang masasabi nyo dito?
Kapag tuloy tuloy na yung pag angat hindi talaga maiiwasan yung correction pero kahit may correction pwede pang umangat yan depende na lang kung gaano kalala at katagal yung correction.
Finally ang bitcoin value ay umabot na ulit sa ganyang halaga sigurado tataas pa yan dahil yung mga umalis dati dahil sa pagkalugi ay magbabalikan ay magkakainterest o maeengganyo na magpasok ulit ng pera sa bitcoin sa dahil sa kanilang nakikita sa ngayon maganda ang pasok ng taon sana lang tuloy tuloy baka kasi mamaya pagbumababa naman ay magtuloy tuloy din eh. KUDOS!
Parang malabo bumalik yung mga nalugi karamihan sa kanila natuto na at baka nga yung ibang nag invest noon nakaabang na lang.