Tumigil na ko sa pagscalp at pagtrade ng crypto ngayon sobrang high risk talaga. Parang hindi na gumagana yung technical analysis na napagaralan ko, mostly manipulated nalang sya. Kaya tinigil ko na ito at naging long-term holder nalang ako ng bitcoin at ng iba pang altcoin. Less stress pa, bihirang-bihira ko nalang tinitignan ang presyo ng mga hawak ko at nagiintay nalang dumating ang bull run. Pero don't get me wrong, sobrang maganda ang kita sa trading lalo na kung marunong at may experience ka na.