Nakakatuwa namang isipin na dumadami pa ang mga high ranks natin dito sa local. Mas dumadami pa ang gustong matuto at patuloy lang tayong magbahagi ng ating mga kaaalaman sa mga baguhan pa. Sulit lahat ng paghihintay at pagsisikap mo sa loob ng dalawang taon. Mahirap man pero lahat ng pagod ay maiibsan dahil nakamit mo na ang hero rank sa tulong na din ng kapwa nating mga Pinoy. Patuloy lang tayong magtulungan dito sa local para mas maibahagi pa natin ang tungkol sa blockchain at cryptocurrency. Congratualtions, aim for legendary Polar91.