Tama. Idagdag mo na din yung pinaggastusan nilang alleged mobile app ng mga info nung 2019 SEA Games.
Source:
https://www.philstar.com/headlines/2019/11/23/1971224/alleged-sea-games-mobile-app-design-hit-amid-ceasefire-call
Madaming magagaling na IT ngayon sa bansa ngunit walang nakakaalam bakit ganoon kapangit at kaluma yung inilalabas na products and output ng gobyerno. Hindi naman ako naniniwala na walang kagalingan ang pinoy, sadyang masyado lang tinitipid ng gobyerno yung bagay na dapat pinatutuunan nila ng pansin paunlarin - ito yung modern technology. Basically kaya naman nilang gumawa ng mobile app at may mga pinoy namang mastered ang paggawa nito pati na rin ang security, ngunit sadyang tingin padin ng gobyerno is "makatipid" despite na anlaki ng pondong hinihingi nila sa bayan.
Hindi ko to nakita pati lumabas manlang sa social media acccount ko ah. Grabe naman yung UI design niya hindi manlang minatch sa official logo na kulay white yung background. Poor young IT dito sa bansa natin, minsan sinasadya na lang nila yan dahil sa sobrang baba ng budget na pinopondo sakanila kaya ganyan na lang din na quality yung gagawin nila. Nowadays-- technology needs a lot kahit saan man scenario...
Tama ka dyan told at medyo kulelat ang bansa natin lalo na sa makabagong teknolohiya at dahil dito prone talaga sa vulnerabilities yan, kaya nga nag hire ng experts galing ibang bansa kasi nga di pa kaya mag sarili ng bansa natin. Kaya mas mainam na manual muna tayo although old style to pero fair naman ang election result.
Nasubukan na natin ang automated at binaboy lng Ito ng dilawan at smartmatic.
Sa akin lang mukhang hindi magandang suwestiyon ang pag boto using mobile app. Baka mas lalo pang gumulo ang election pang ganito. Bukod sa issue na nabanggit ni @mk4, kailangan din silipin ang mga service providers katulad ng Globe at Smart. Mga private company to, may kani kanilang vested interest at mga kandidato. Baka sa huli magkakaroon ng accusations at nandun parin ang pang dadaya. Yung SIM card registration bill, lalo na sa pre-pard nga na pagkakaalam ko approved eh hindi naman yata napatupad ng maayos, tapos gagamitin pa natin ang mga mobile phones for voting? Mukhang pahirapan to.
Pera pera lng kasi ang labanan dyan kaya pag marami kang pansohol tiyak malaki ang tysansang manalo dahil bayad ang mga yan Kaya dapat tingnan muna ang kredbilidad hahawak at bumuo ng batas na magtatalakay dito at mag bigay ng napakabigat na parusa para matakot mag sabotahe ang mga providers.