Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Comelec Eyes Mobile App for Voting
by
danherbias07
on 23/02/2020, 04:01:45 UTC
Dapat magkaroon ng pilot test ngayong taon kung gusto man nila itong e implement ngayong taon upang makita nila ang vulnerabilities at iba pang problema para kung gamitin man nila ito sa susunod na halalan eh walang aberya at hindi malito ang mga hindi sanay sa makabagong teknolihiya kung ano ang kanilang gagawin.

At parang hindi ata pwede bomoto sa official website kasi wala akong nakikita ganung options.

Hindi naman sa pang-aano, pero kahit anong testing ang gawin nila almost guaranteed na may papalpak sa systema, ang tanong lang is kung gaano ka-lala. Sa mga huling botohan pa nga lang angdami ng downtime at problema in general e, tapos isama mo pa ung mga kumakalat na rumour na may low-key na dayaan na nagaganap through ung PCOS machines.

Still boils down sa "dayaan" mentality talaga natin. Talaga bang maraming advantage? mapapamura pa tayo (pun intended) Smiley, o gagastos na naman ang gobyerno ng bilyon bilyon pero sa kalaunan ganun parin ang resulta? Akusasyon ng dayaan sa magkabilang panig, mga hindi nakaboto dahil overload daw ang sistema, nasa blockchain pero baka may "magic" na mangyayari, etc, etc. Siyempre pag ginawan ng test yan sigurado ako successful ang sasabihan pero pag actual at live na, dami na problema.

Totoo yan! Ano ba tawag sa ganyang mentality?  Grin Hindi na crab yan eh.

Magkabilang panig sana ang sumubok yung parehas na representative na walang bahid na mandaraya.
Pero yun nga, sa huli na naman magtatagpo yan.
Baka sabihin pa ay namamanipula ang blockchain dahil nga sa kakulangan din sa kaalaman tungkol dito.
Dapat maipamahayag muna kung pano ba ito talaga gagamitin at ano ang advantages.
Matagal na proseso ito. Madaming tao din sa ngayon ang sawa na makinig sa gobyerno dahil nga parang paulit ulit na lang.
Tapos sila lang naman ang nakikinabang hindi naman talaga ang mamamayan.