Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ano ang iyong nabili gamit ang iyong Crypto?
by
Black Cookies
on 26/02/2020, 12:31:44 UTC
Sa totoo lang medyo na late yung pag sali ko sa cryptocurrency. Sa pagkakatanda ko, 2018 ako nag umpisang malaman ang cryptocurrency. Napakababa ng halaga ng bitcoin noon kaya ang hina rin ng pasok ng income sakin. Hindi ko pa alam noon yung mga bounty at umaasa lang ako sa faucets at airdrop. Itong 2019 lang bumalik yung halaga ng bitcoin at ito ang naging tsansa para makabili ako ng kauna-unahan kong cellphone. Nag popost lang ako sa cryptotalk noon hanggang ngayon. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa mga taong nag hikayat sakin para gawin ito.