Mostly PC parts ang lagi ko binibili kasi matagal na akong PC Enthusiast/Hobbyist kaya pag may naipon ako diretso upgrade na. Dagdag ko na rin ang habits ko tuwing bibili ng mga piyesa. Una pag may baon ako na sobra or mga binebenta online like my long running personal business na buy and sell, yung mga sobra nilalagay ko sa cryptowallet then hodl and wait.
Siguro long term after pag-iipon ng crypto baka magtayo ako ng small time business like cafeteria/compshop with wifi which is still on-demand pa rin. At kung sa sasakyan or bahay baka hindi na. Mamahalin or mumurahing sasakyan basta matibay at pangmatagalan pareho lang yun nagagawa naman an purpose eh at saka personal preference nalang ika-nga.
Malaking tulong talaga ang investment sa crypto as a passive income or sideline besides active jobs. Magpapractice din ako ng content creation about everything including bitcoin para quadruple ang earning basta humanly manageable.